
dear Hair.. would you please grow faster. i really wanted to have this kind of hair style.. #Ombre
(Source: imakeyoufeelsofine, via hellafellafoool)
Im very Thankful. :’)
Naiiyak ako sa mga nangyayari sa akin ngayon, hindi dahil may pangit na nangyari sa akin kundi masaya ako, masaya ako na may binigay na special na tao si Lord sa akin.
Hindi man kami perfect tignan kasi mas matangkad ako sa kanya, pero hindi yun reason para ayawan ko sya.
Masaya ako kapag kasama ko sya, malungkot ako kapag wala sya sa tabi ko, kahit iilang minuto palang kaming hindi magkasama.
noong una bully friend ang tingin ko sa kanya, kasi lagi nya ako inaasar, hanggang sa maging open kami sa isa’t isa. mas lalo namin nakikilala ang isa’t isa hanggang sa lagi na kami magkasama, magkatabi, sabay kumain sabay umuwi tapos ihahatid ako samin. Grabe
until one time hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko, nafafall na ako sa kanya at nakakaramdam ako na ganun din sya sakin. Nung una ayaw ko paniwalaan pero sa mga kilos at mga sinasabi nya, sa mga nakikita at nararamdaman ko sa presence nya na totoo yun. Totoong may Mutual feelings kami sa isat isa.
Nakakatuwa lang, overwhelming after 4 years of waiting parang ito na nga. at sana ito na nga yun..
Sobrang Thankyou LORD :) <3
Road Trip
mula sa kabundukan ng Norzagaray Bulacan. Napatunayan ko nanaman na ang biglaang lakad, ay 100% sure na matutuloy. Kahit bitin pa ako sa tulog, or kami ng Best bully friend ko. Ang saya lang kasi feeling ko sobrang layo ng napuntahan ko. Nakita ko yun Angat dam. nagpunta kaming dalawa dun nang nakaMOTOR lang. Ang sarap ng hangin fresh na fresh. mejo nakakatakot kasi liblib yun lugar. pero ng makita ko ito, breath taking ang pakiramdam. mejo nakakalula pero ok lang kasi maganda naman. Gusto ko sana lumapit sa Ilog pero wag na lang kasi baka di na ako umalis jan..
Sobrang ganda. ang Galing talaga ni LORD sa mga ganitong creatures.
sobrang thankful ako kay Lord kasi may kaibigan ako na willing akong ipasyal sa mga ganitong lugar. :)
feeling ko TAO na ako.. :D
05/17/2013
I am Happy because I am BLESSED
Naramdaman mo na ba na Pinagpala ka?
Naramdaman mo na ba na ang gaan ng buhay mo?
Nasabi mo na ba sa sarili mo na “Buti nalang hindi ako tulad nila.”
Nakita mo na ba ang sarili mo na Angat ka sa iba?
Ako, oo.
Sa tuwing lalabas ako ng bahay, tuwing sasakay ako ng Bus o Jeep nasasabi, nararamdaman, at nakikita ko yan. Tulad nalang tuwing Sasakay ako ng Bus. naiisip ko,
“paano kaya kung ang tatay ko Vendor lang ng Dyario, candy o Mineral water sa bus? ano kaya ang buhay na meron ako?”
malamang walang wala sa buhay na meron ako ngayon. Malamang hindi ko mararating ang kung anong meron ako ngayon. Malamang hindi ako makakakain ng kung anong pagkain na natikman ko na at hindi pa natikman ng iba.
sa tuwing makaka kita ako ng mga batang palaboy at namamalimos sa kalsada o yung mga batang nagaabot ng sobre sa jeep para humingi ng konting barya, naiisip ko,
“Paano kaya kung ganyan yung mga kapatid ko?”
Malamang puro kalyo at maiitim na ang kapatid ko, payat at kaawa awa. Hindi ko maatim na ganun ang mangyayari sa kanila. Nakakaiyak isipin na nakikipag sapalaran sila sa kapahamakan sa pag angkas sa mga jeep at humingi ng konting barya para maka kain.
Sa tuwing makakakita ako ng mga Ale na nagtitinda ng basahan o sampaguita sa mga jeep o bus. naiisip ko,
“Paano kaya kung ganyan ng trabaho ng nanay ko?”
siguro mapapabayaan kami sa lansangan o di kaya magugutom kami sa bahay. ibang iba sa nakagisnan ko, na pagkagising sa umaga may pagkain na. na kapag wala na akong maisuot na damit lalabhan ng nanay ko. ang hirap siguro ng ganoon.
Madalas may mga bagay sa mundo na hindi natin maappreciate, may mga bagay na binabalewala natin, madalas hindi tayo matunong makuntento sa kung anong meron tayo at naghahangad pa tayo ng sobra sobra sa kung anong ipinagkaloob sa atin.
Madalas iniisip natin na ang hirap ng buhay, pero sa totoo may mas naghihirap pa kaysa saatin.
Naisip ko na sobra sobra akong blessed kasi may bahay akong tinitirhan, may pamilya akong nakakasama sa araw araw, may pagkain ako na nakakain, May pera akong nagagamit kahit minsan kapos. natuto akong magpasalamat kay GOD para sa lahat ng natatamasa kong biyaya sa buhay.
May tamang panahon, tamang oras para sa lahat ng bagay.
May sapat na bagay para sayo.
May hindi pwedeng ibigay ang Dios sa atin hindi dahil ipinagdadamot nya, hindi dahil pinahihirapan ka nya, dahil ayaw nya lang mapasama tayo. Ayaw nya lang na yun ang maging dahilan para lumayo ang loob mo sa kanya.
Lahat ng bagay na nangyayari sayo may dahilan, wag mong sisihin si GOD sa mga hindi magandang nangyayari sa buhay mo. Wag Mong isipin na ANG MALAS MO dahil hindi totoo ang malas. walang swerte o malas.
Maghintay ka lang, Magtiwala ka, at ilapit mo lang ang puso at isipan mo kay GOD makakamit mo kung ano ang nararapat para sayo.

GOOD MORNING :-) #beBlessed #instapic #instadaily #goodvibes #psalms #memoryverse #christian #blessed #instamood #ig #igers #picoftheday #potd

With madam christine :) soon to be headnurse hahaha #nurse #instacollage #photogrid #instapic #instadaily #instamood #bestfriends #friends #pretty #instabeauty















